Cement trucks kailangan na ng warning signs - MMDA
MANILA, Philippines - Naglabas ng kautusan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Huwebes kung saan kinakailangan nang maglagay ng warning signs ang mga cement trucks habang nasa biyahe simula sa susunod na buwan.
Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na makakatulong ang mga warning signs, na may nakalagay na “Loaded With Concrete—Keep Distance,†upang dumistansya ang mga motorista sa mga cement mixer trucks para maiwasan ang aksidente.
“All owners, operators and drivers of cement mixer trucks or cement mixers are required to put and install a permanent visible sign indicating “Loaded With Concrete—Keep Distance†the letters of which should not be less than 15 centimeters in height at the back and both sides of the truck, in addition to other vehicle markings required under applicable laws and regulations,†ani Tolentino sa kanyang Memorandum Order No. 01 Series of 2013.
Magsisimulang ipatupad ito sa Hulyo 1, 2013.
Dagdag ng kautusan na kinakailangan na may dilaw na background ang plaka ay kula itim ang mga letra.
Sinabi pa ni Tolentino na ang mga lalabag ay magbabayad ng P500 at “without prejudice to the imposition of other penalties for other violation of traffic laws, rules and regulations.â€
Inilibas ang memorandum matapos makipagpulong ang pinuno ng MMDA sa iba't ibang stakeholders, cement manufacturers and cement mixer operators tungkol sa issue.
Sinabi ni Tolentino na sinuportahan naman ng grupo ang kanilang proyekto ngunit hiniling na palitan ang naunang mungkahi na “Loaded with Cement†ng “Loaded with Concrete†gayun din ang naunang sukat ng plaka na 30 sentimetro hanggang sa naging 15 sentimetro.
Naunan nang iminungkahi ng MMDA sa and Transportation Office na ilagay ang mga cement mixer truck bilang dangerous vehicles mula sa klasipikasyon na ordinaryong trak kasunod nang pagkamaatay ng isang kolehiyala na si Cherrie Inzon noong Abril nang masagasaan ng cement mixer truck sa panulukan ng Araneta at Del Monte Avenue sa lungsod ng Quezon.
- Latest
- Trending