^

Balita Ngayon

Cayetano sa CBCP: Tumulong, 'wag mamintas

Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Umapela ang isang senador ngayong Lunes sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) matapos bigyan si Pangulong Benigno Aquino III ng bagsak na marka dahil sa umano’y kabiguan nitong masugpo ang kahirapan kahit na gumaganda ang ekonomiya.
 
"We all want the poor to feel the effects of economic growth. Personally, I want lower prices, more jobs and higher income for all Filipino families especially the poor, but we should understand that the effects of economic progress takes time," pahayag ni re-elected Senator Alan Cayetano.
 
Sinabi ni Cayetano na sa ibang bansa ay higit sa isang dekada pa bago naramdaman ng mga mahihirap ang pagbabag.
 
"We should be more patient and constructive," dagdag ng senador.
 
Nitong weekend ay binigayan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, CBCP-National Secretariat for Social Action chairman, ng bagsak na grado si Aquino matapos ang tatlong taon mula nang mailuklok ito noong 2010.
 
Ayon kay Pabillo ay lumala lalo ang kahirapan at kawalan ng trabaho sa bansa.
 
"Ang tunay na assets reform ay dapat makinabang yung mga taong sa kanayunan. Nandiyan 'yung land reform kung ang mga tao ang benespiyo ng lupa, sa mga manggagawa nandiyan yung labor against contructualization... Lumalaki ang gap ng mahirap at mayaman,” sabi ni Pabillo sa isang panayam sa Radio Veritas.
 
Inamin ni Cayetano na marami pa ang kailangang gawin, pero ipinagmalaki rin niya ang mga natapos na ng gobyerno upang labanan ang kahirapan.
 
Aniya noong 2011 ay nakagawa sila ng 1.156 milyon na trabaho, habang tumaas ang bilang ng Conditional Cash Transfer program sa 3.8 milyon.
 
Nanawagan si Cayetano sa CBCP na tumulong na lamang sila sa pagbibigay ng mungkahi upang maparamdam sa mga mahihirap ang pag-unlad imbis na magbigay pa ng kritisimo.
 
"Let's help each other move up the ladder of growth and not be embroiled in endless criticism," sabi ni Cayetano.
 
Nitong Abril ay iniulat ng National Statistical Coordination Board (NSCB) na tatlo sa 10 Pilipino ang namumuhay pa rin ng mas mababa pa sa poverty line sa unang tatlong buwan ng 2012.
 
Dagdag ng NCSB na aabt sa 27.9 porsiyento ang poverty incidence noong unang semestre ng 2012.
 
"Comparing this with the 2006 and 2009 first semester figures estimated at 28.8 percent and 28.6 percent, respectively, poverty remained unchanged as the computed differences are not statistically significant," sabi ng ahensya.
 

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CAYETANO

CONDITIONAL CASH TRANSFER

MANILA AUXILIARY BISHOP BRODERICK PABILLO

NATIONAL SECRETARIAT

NATIONAL STATISTICAL COORDINATION BOARD

NITONG ABRIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with