Wala pang krimen sa paligid ng mga paraalan - NCRPO
June 10, 2013 | 10:58am
MANILA, Philippines – Walang naitalang krimen sa paligid ng mga paaralan sa Metro Manila simula nang magbukas ang klase nitong nakaraang linggo, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ngayong Lunes.
Ayon kay NCRPO chief Director Leonardo Espina, ang mapayapang linggo sa paligid ng mga paaralan ay dahil sa paglalagay nila ng mga police assistance desk (PAD) at pakikipagtulungan ng pamunuan at mga guro ng mga pampublikong paaralan, lokal na gobyerno, magulang at mga estudyante.
Iniutos ni Espina ang pag-iinspeksyon sa mga paaralan at pagsisiguro na nagtatrabaho ang mga pulis sa mga PAD at handa ang mga ito sa pagresponde sa anumang insidente.
Sinabi ni Espina na nais nilang sugpuin ang mga ‘petty crimes’ kabilang ang snatching at iba pang krimen kung saan malimit na biktima ay mga estudyante at nagaganap sa paligid ng paaralan.
Maglalagay rin ang pulisya ng mga PAD sa pagbubukas ng klase sa mga pribadong paaralan, unibersidad at kolehiyo ngayong araw.
Umaasa si Espina na mananatiling walang krimen na magaganap hanggang sa matapos ang pasukan ngayong taon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest