^

Balita Ngayon

Parallel investigation ng Taiwan at Phl hindi pa tapos - NBI

Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines – Hindi pa mailalabas ngayong Biyernes ang resulta ng parallel investigation ng National Bureau of Investigation at Taiwanese investigators dahil sa ilang gusot sa detalye, ayon sa isang opisyal ng NBI.
 
Sinabi ni NBI Deputy Director Virgilio Mendez na hindi pa plantsado ang joint report sa pamamaril ng Philippine Coast Guard sa Taiwanese fishing vessel na ikinamatay ng isang mangingisda noong Mayo 9 sa Balintang Channel sa Batanes.
 
Isa sa mga hindi nagtutugmang ulat ay ang bilang ng mga armas sa kustodiya ng PCG nang barilin ang 65-anyos na mangingisda. Sa bilang ng Taiwan ay mayroong 22 armas, ngunit snabi ng NBI na 15 lamang.
 
Dagdag ni Mendez na hindi pa dumadating sa NBI ang mga authenticated na papeles ng Taiwan at sinabing tanging mga ‘advanced at unofficial’ na kopya lamang ng report ang mayroon sila.
 
Inaasahan na ilalabas ang pinagtibay na ulat bago matapos ang linggo.

12PX

BALINTANG CHANNEL

DEPUTY DIRECTOR VIRGILIO MENDEZ

FONT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SIZE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with