Pinoy peacekeeper sugatan sa Golan Heights
June 7, 2013 | 10:06am
MANILA, Philippines —Sugatan ang isang Pilipinong peacekeeper sa Golan Heights matapos maipit sa bakbakan ng gobyerno ng Syria at mag rebele nitong Huwebes, ayon sa tagapagsalita ng military.
Sinabi ni Lt. Col. Ramon Zagala na nagtamo ng sugat sa binti ang Pinoy na peacekeeper matapos matamaan ng mortar shell na bumagsak sa logistics base ng United Nations Disengagement Observer Force na Camp Ziouni.
Dagdag ni Zagala na nasa ligtas na kondisyon na ang biktima na isa lamang sa 300 Pilipinong peacekeepers.
Noong Marso ay dinukot at ginawang bihag ng mga rebelde ang 21 Pilipinong peacekeeper pero pinalaya rin ito matapos ang apat na araw.
Naulit ang insidente nang dakipin ng parehong grupo na Yarmoouk Martyrs Brigade ang apat namang Pilipinong sundalo nitong Mayo pero pinalaya rin pagkalipas ng limang araw.
Iminungkahi ni Philippine Foreign Secretary Albert del Rosario na paalisin na sa Golan Heights ang mga Pilipinong peacekeepers matapos ang pandurukot ng mga rebelde ngunit hindi pa ito naaprubahan ni Pangulong Benigno Aquino III.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended