Magkapatid na tulak ng droga nasakote sa Davao
MANILA, Philippines – Arestado ang isang empleyado ng gobyerno at kapatid nito sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency na nagresulta pa sa pagkakadiskubre ng drug den sa Davao del Norte.
Pinangalanan ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. ang mga suspek na sina Rio Alcordo, 36, empleyado ng lokal na gobyerno ng lungsod ng Panabo at kapatid nitong si Reed, 31, isang pintor.
Sinubukang bumili ng undercover agent ng PDEA Regional Office 11 ng droga sa magkapatid na Alcordo nitong Lunes bandang 5:30 ng umaga.
Pumayag ang mga suspek at sinabing magkita sa bahay nila, na isa rin palang drug den, sa Barangay Sto. Niño.
Sinalakay ng mga awtoridad ang bahay at nasamsam ang limang pakete na may tira-tirang shabu at iba’t ibang drug paraphernalia.
Nahaharap sa kasong pagtutulak ng droga ang magkapatid at ngayon ay nakakulong sa Davao City police station.
- Latest
- Trending