JPE nagbitiw bilang Senate President
MANILA, Philippines – Nagbitiw sa puwesto si Juan Ponce Enrile bilang Senate President sa pagsasara ng sesyon ng Kongreso ngayong Miyerkules.
Sinabi ni Enrile sa kanyang privilege speech na hindi na mababago pa ang kanyang desisyon.
"Let us all be men and women worthy of being called "honorable senators" and let the chips fall where they may. As a matter of personal honor and dignity, I hereby irrevocably resign as Senate President," Enrile concluded.
Hindi rin napigilan ni Enrile na ilabas ang sama ng loob sa kanyang mga kritiko pati kapwa senador.
Aniya ang mga binatong akusasyon sa kanya ay nakaapekto sa kandidatura ng kanyang anak na si Jack Enrile, na natalo sa pagkasenador.
"Let me assure all of you, I can still see, read clearly the handwriting on the wall... I need not be told by anyone when it is time to go," sabi ni Enrile sa kanyang talumpati.
"The Senate neither begins nor ends with Juan Ponce Enrile," dagdag ng senador.
Ilan sa mga kritiko ni Enrile ay si re-elected Senator Antonio Trillanes IV.
"We just heard some rants from a bitter man and we just gave him his moment," komento ni Trillanes sa isang panayam sa telebisyon.
Para naman kay Senator Alan Cayetano, na nakasagutan din ni Enrile, hindi solusyon ang pagbibitiw, aniya, kailangan ito harapin ni Enrile.
Miyembro ng United Nationalist Alliance (UNA) si Enrile na inaasahang magiging minority sa Senado sa 16th Congress.
Sa katatapos laman na eleksyon, tanging tatlong taga-UNA lamang ang nanalo.
- Latest
- Trending