Sulu Sultanate kay Noy: Ihanda ang kulungan
MANILA, Philippines – Hinamon ng sultanato ng Sulu at North Borneo ngayong Miyerkules si Pangulong Benigno Aquino III na maghanda ng malaking selda para kina Sulu Sultan Jamalul Kiram III, sa kanyang pamilya at mga tagasuporta.
Ayon sa sultanato, handa sila at hindi nila tatakbuhan ang kasong isasampa sa kanila ng gobyerno dahil sa pagpipilit ng kanilang karpatan sa Sabah.
“Prepare a big jail cell for all of us. We will not run. We will not hide. It is up to the Filipino people to decide who really abandoned the claim on Sabah,†pahayag ng tagapagsalita ng sultanato na si Abraham Idjirani.
Binatikos ni Idjirani ang nag imbestiga sa kaso na National Bureau of Investigation dahil sa umano’y inilabas nilang hilaw na ulat kung saan sinabi dito na ang grupo ni Kiram ang nagsimula ng giyera kontra Malaysia.
“The report by the NBI is concocted. This is lutong Macau. They know that the only way of stopping the Sabah claim is to stop the Kiram family,†komento ni Idjirani.
Dagdag ni Idjirani na hindi nila tatakbuhan ang kakaharaping kasong inciting war at paglabag sa election gun ban ng Comelec.
“These are bailable offenses but we do not have the money to post bail. Whether we will be arrested or not depends of the decision of the President,†sabi ni Idjirani.
Inaakusahan ni Kiram si Aquino na pinipilit silang makipag-ayos sa Malaysia upang hindi masira ang kasunduan ng dalawang bansa sa pag-aasikaso ng usaping pangkapayapaan ng gobyerno ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
“The PNoy administration is putting pressure on the Kiram family because it does not want to displease the Malaysian government which had sponsored the peace deal with the MILF. President Aquino will never take the side of the (Kiram) family. The Pnoy administration is not protecting the interest of the Filipino people,†sabi ni Idjirani.
Sinabi ni Idjirani na hindi na siya nagulat sa hindi pagsuporta ni Aquino sa pamilyang Kiram sa isyu sa Sabah.
Samantala, binanggit ni Idjirani na hindi na babalik sa Pilipinas ang mga nahuling tauhan ni Kiram sa Lahad Datu, Sabah. Dumating ang mga tauhan ni Kiram, sa pamumuno ni Agbimmudin Kiram, sa Lahad Datu noong Pebrero 12.
Inirekomenda ng NBI na kasuhan ng illegal possession of firearms, paglabag sa Comelec gun ban, paglabag sa Article 118 ng Revised Penal Code .
Dagdag ng NBI na planado pa mula noong Nobyembre 2012 ang paglusob ng mga Kiram at tagasuporta.
Hindi naman isinama sa rekomendasyon upang kasuhan sina dating national security adviser Norberto Gonzales, Council for Philippine Affairs secretary-general Pastor Saycon, Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari, at dating mamamahayag na si Waldy Carbonell.
Ayon sa ulat ay walang umanong sapat na ebidensya ang mga awtoridad upang mapatunayan na may kinalaman sina Gonzales, Saycon, Misuari, Carbonell sa paglusob ng mga Kiram sa Sabah.
- Latest
- Trending