^

Balita Ngayon

Davao airport kakasuhan ng city gov't dahil sa Cebu Pac mishap

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Planong kasuhan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pamunuan ng Davao International Airport (DIA) dahil sa kawalang aksyon nito matapos sumadsad ang eroplano ng Cebu Pacific sa kanilang runway noong Linggo ng gabi.

Sinabi ni Duterte na Aabot sa 250 milyong piso ang nawala sa lokal na negosyo dahil sa nasabing insidente na nagparalisa ng mga biyahe patungo at paalis ng Davao ng dalawang araw.

"This is the total losses for everything already," pahayag ni Duterte sa isang panayam sa telebisyon ngayong Miyerkules ng umaga.

"We cannot actually give value to the inconvenience this caused to the passengers also," dagdag ng alkalde.

Inaasahan na maihahayin nila ng pormal ang kaso kontra sa pamunuan at tauhan ng DIA sa Lunes pagkatapos nilang makumpleto ang lahat ng papeles.

"We are planning to file administrative charges against the management and employees of the Davao International Airport... We're collating the documents right now. We plan to [file the charges] by Monday next week," sabi ni Duterte.

Sinabi ni Duterte na irereklamo nila ang airport manager pati ang mga empleyado na naka-duty nang mangyari ang insidente.

Dagdag ng alkalde na hindi nila kakasuhan ang Cebu Pacific.

Dalawang araw ang inabot bago natanggal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang sumadsad na eroplano bandang alas-8 ng gabi.

Pilot error umano ang dahilan ng insidente na nagdulot ng takot sa mga sakay nito at problema sa mga na-stranded na pasahero, base sa inisyal na pagsisiyasat ng CAAP

"There is a saying that evidence does not lie. We have now evidence that points to possible human factor. In other words, [it] may be pilot error," pahayag ni CAAP Deputy Director General John Andrews sa isang press briefing kahapon.

Hinimok ng Palasyo ang mga kompanya ng airline na siguruhin na hindi na mauulit ang mga katulad na aksidente.

"We are a bit concerned about that. What's important for us is to determine the cause of the accident and to take steps to prevent that from happening again," sabi ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Secretary Ricky Carandang.
 

AABOT

CEBU PACIFIC

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

DAVAO CITY MAYOR SARA DUTERTE

DAVAO INTERNATIONAL AIRPORT

DEPUTY DIRECTOR GENERAL JOHN ANDREWS

DUTERTE

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS DEVELOPMENT AND STRATEGIC PLANNING OFFICE SECRETARY RICKY CARANDANG

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with