^

Balita Ngayon

Patuloy na pagtaas ng matrikula binatikos

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binatikos ng militanteng kabataang grupo ngayong Lunes ang pag-apruba ng gobyerno sa pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa higit 1,000 paaralan sa bansa.

Samantala, tumungo ng Don Chino Roces bridge (dating Mendiola Bridge) ang mga miyembro ng Anakbayan-National Capital Region upang kondenahin ang tinatawag nilang "state-sponsored commercialization of education."

"This is the gate of hell for all the Filipino youths whose dreams will be burned to ashes because we are being deprived of our right to education," pahayag ni Anakbayan-NCR deputy secretary general Andrew Zarate.

"Every school gate will be like hell because of the high-priced education and rising cost of living parallel to massive unemployment and low wage," dagdag ni Zarate.

Aniya magsasagawa ng kilos protesta ang mga miyembro ng kabataang grupo upang ihayag ang kanilang pagkadismaya sa umano’y lumalalang krisis sa edukasyon sa iba’t ibang sangay ng gobyerno tulad ng Department of Education, Commission on Higher Education at sa Malacañang.

Sa 451 na pribadong paaralan sa kolehiyo na humiling ng pagtataas ng matrikula, 354 ang inaprubahan. Umabot naman sa 241 na pribadong paraalang pang-elementarya at 1,144 sa high school ang pinayagang magtaas ng matrikula.

"Though there is a 70-20-10 increment system which will go to salary of teachers, improvement of facilities and return-of-investment respectively, the government has no will nor does it have the resources to check whether the increment system is being implemented," sabi ni Zarate.

Para kay Zarate, mababawasan ang mga estudyanteng papasok sa kolehiyo dahil sa K-12 na programa ng DepEd dahil kikilalanin agad silang mga semi-skilled workers.

"It will be another scheme for the state abandonment on education while the number of state universities and colleges will decline along with the government spending," dagdag ni Zarate.

ANAKBAYAN

ANAKBAYAN-NATIONAL CAPITAL REGION

ANDREW ZARATE

ANIYA

DEPARTMENT OF EDUCATION

DON CHINO ROCES

HIGHER EDUCATION

MENDIOLA BRIDGE

ZARATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with