Gastos sa eleksyon nagsulong sa Q1 GDP
MANILA, Philippines – Naniniwala si dating National Treasurer Leonor Briones na naging malaking tulong ang paggastos ng pamahalaan para sa katatapos lamang na eleksyon sa pag-usbong ng gross domestic product (GDP) sa unang tatlong buwan ng taon.
"Ang paglago ng ating ekonomiya ay dahil ito, largely sa gastos sa eleksyon. For the past five or four months, ang pamahalaan gumastos ng umabot ng P584 billion," ani Briones sa isang panayam sa radyo ngayong Biyernes.
Dagdag ni Briones, na isa ring propesor sa University of the Philippines, napunta rin ang ibang gastusin ng gobyerno sa construction at infrastructure, na parehong may malaking naitulong sa paglago ng ekonomiya.
Nitong Huwebes ay iniulat ng National Statistical Coordination Board (NSCB) na humataw sa 7.8 porsiyento ang GDP ng bansa, lagpas sa government at market forecasts.
Sinabi pa ng NCSB na ang paggastos ng gobyerno sa construction ay nakatulong upang maabot ng administrasyon Aquino ang pinakamataas na GDP mula nang masimula noong 2010.
Lumago naman sa 32.5 porsiyento ang sektor ng construction mula Enero hanggang Marso ng 2013, ayon sa National Economic Development Authority (NEDA).
"Initially, this was led by infrastructure spending of the government. By the second half of 2012, private construction started to rebound,†paliwanag ni NEDA director-general Arsenio Balisacan.
Sinabi ni Briones na normal lamang na lumaki ang gastos sa construction at infrastructure tuwing panahon ng eleksyon.
Pareho naman kay Briones ng itinuturong dahilan ang Ibon Foundation sa paglago ng GDP.
"Government economic managers are elated over the 7.8% GDP growth, but they should realize that similar to previous election years, this quarter's growth is largely brought about by election-related spending," pahayag ng organisasyon sa kanilang website.
"The last three election years saw a noticeable uptick in year-on-year GDP growth in the first and second quarters from the quarters immediately preceding these," dagdag ng artikulo sa www.ibon.org
Sinabi ng Ibon Foundation na may 7.3 porsiyento na paglago sa GDP noong unang tatlong buwan ng 2004 presidential elections, 6.3 porsiyenro noong 2007 mid-term elections at 8.4 porsiyento noong 2010 presidential elections.
Sinabi naman ni Briones na magiging tanong naman ngayon ay kung maipapatuloy ba ito ng gobyerno sa mga susunod na buwan, habang para sa Ibon Foundation ay bababa na ang GDP sa mga nalalabing buwan ngayong 2013.
Pero sumagot ang NEDA at Palasyo na seryoso sila na pausbungin ang ekonomiya ng bansa.
“While we recognize our robust performance in the first quarter, we will continue to be vigilant against downside risks and address critical constraints to maintaining this growth momentum," ani Balisacan.
"Our administration will continue to promote and expand policies that lead to a Philippines where no one is left behind," pahayag ng Malacañang.
- Latest
- Trending