^

Balita Ngayon

Pagtatatag ng MILF ng political party umani ng suporta

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pabor ang mga lokal na sektor sa pagpasok sa regional politics ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Inihayag kamakailan ni Al-Haj Murad, pinuno ng MILF, na aayusin na nila ang kanilang political party bilang paghahanda sa pagbuwag ng ARMM at pagtatatag ng isang bagong Bangsamoro entity sa 2015.

Sinabi ni Fr. Eliseo Mercado, Jr., na isang eksperto sa Mindanao ng Institute for Autonomy and Governance, na ang pagpasok ng MILF sa politika ay isang mapayapang paraan upang maisaayos ang “Mindanao Bangsamoro issue.”

Idinagdag ni Mercado na ang plano ng MILF ay maaaring magdulot ng pag-asenso ng rehiyon, ngunit nagbabala siya na dapat ay maging maingat ang grupo sa pagpasok sa politika.

"Party politics in the country is still a ‘desiderata.’ What we have now is `patronage politics’ and there might not be any improvement in the next three years. Even then, we are hoping that the MILF will help in the shaping up of real party politics in 2016,” ani Mercado.

Sinabi ni Murad na ang kanilng plano pagbubuo ng isang political party ay bahagi ng kanilang layunin na mapanatili ang "Islamic character" ng grupo habang nakikilahok sa politika.

AL-HAJ MURAD

AUTONOMY AND GOVERNANCE

BANGSAMORO

ELISEO MERCADO

IDINAGDAG

MERCADO

MINDANAO BANGSAMORO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with