Northern Luzon niyanig ng magnitude-5.4 na lindol
MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude-5.4 na lindol ang apat na probinsya sa Hilagang Luzon ngayong Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ng Phivolcs ang lindol may 30 kilometro ng timog-kanluran ng lungsod ng Laoag bandang 10 ng umaga.
Pinakamalakas na naramdaman ang lindol sa lakas na Intensity 4 sa Bangued, Abra at sa bayan ng Narcavan sa Ilocos Sur.
Intensity 3 naman sa bayan ng Sinait, Santo Domingo, Magsingal, San Idelfonso, Bantay, Santa, Caoayan, Vigan, Santa Catalina, San Vicente sa Ilocos Sur at bayan ng Callao at Penablanca sa Cagayan at lungsod ng Laoag sa Ilocos Norte.
Naramdaman naman ang lindol sa lakas na Intensity 2 sa bayan ng Bucay, Abra.
Sinabi ng Phivolcs na may inaasahan silang mahihinang aftershocks.
- Latest
- Trending