^

Balita Ngayon

Reporma sa hukuman patuloy pa rin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patuloy pa rin ang reporma sa hukuman ng bansa isang taon matapos ang pagkakasibak sa dating Supreme Court Chief Justice, ayon sa isang opisyal ng Palasyo ngayong Miyerkules.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na matapos ang pagkakatanggal kay Chief Justice Renato Corona, umaasa ang gobyerno na maipagpatuloy ang reporma na sinimulan ni Pangulong Benigno Aquino III.

"[The judicial reforms are] still a work in progress. Perhaps the impact that you can see immediately  is the emphasis given on the filing of SALNs (statements of assets, liabilities and net worth) when it comes to the employees of the government," pahayag ni Valte.

Noong Mayo 29, 2012 ay idineklara ng  Senado, na umupo bilang impeachment trial court, na guilty of betrayal of public trust and culpable violation sa Saligang Batas si Corona.

Napatunayan na guilty si Corona sa paglabag sa Article II ng Articles of Impeachment na inihayin laban sa kanya matapos niyang hindi maideklara ang lahat ng kanyang ari-arian sa SALN.

Sa pagkatanggal ni Corona ay pinalitan siya ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na pinaka-unang babaeng pinuno ng Korte Suprema.

Sinabi ni Representative Raul Daza na ipinakita ng impeachment na kailangan ng  accountability ng bawat opisyal ng gobyerno at ipakita ang sistema ng checks and balances works.

 "I believe that the impeachment trial, however it went, strengthened our democratic institutions," pahayag ni Daza sa isang panayam sa telebisyon ngayong Miyerkules.

Sumangayon din siya sa pahayag ni Valte na isang seryosong papeles ang SALN.

ARTICLES OF IMPEACHMENT

CHIEF JUSTICE MA

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

KORTE SUPREMA

LOURDES SERENO

MIYERKULES

NOONG MAYO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

REPRESENTATIVE RAUL DAZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with