^

Balita Ngayon

2 bebot kulong dahil sa panunuhol

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kulong ng isang taon ang dalawang kababaihan matapos kapwa suhulan ang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency kapalit ng kalayaan ng kanilang mga kamag-anak.

Napatunayan ni Judge Ralph Lee ng QC Regional Trial Court branch 83 na nagkasala sina Judy Gonzaga at Menchie Bermil ng Attempted Corruption of Public Official dahil sa panunuhol sa tauhan ng PDEA upang mapalaya ang kanilang kamag-anak na may kasong pagtutulak ng droga.

Sinabi ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. na nasiyahan siya sa desisyon ng korte kontra sa dalawang babae matapos ang dalawang taon na paglilitis.

Nasakote sina Gonzaga at Bermol noong Hulyo 24, 2011 ng mga operatiba ng PDEA Special Enforcement Service dahil sa paglabag sa Article 212, ng Revised Penal Code  (Corruption of Public Officer).

"PDEA agents turned down a bribe of P480,000 by the two accused in exchange for the release of their relatives, Saber Hayatuddin and Arbiya Uyag, both detained for drug-related offenses," pahayag ni Cacdac.

Inaresto sina Hayatuddin at Uyag matapos magbenta ng apat na pakete ng shabu sa isang undercover agent ng PDEA sa kalye ng Misamis, Sto. Cristo, Bago Bantay, Quezon City.

ARTURO CACDAC JR.

ATTEMPTED CORRUPTION OF PUBLIC OFFICIAL

BAGO BANTAY

CORRUPTION OF PUBLIC OFFICER

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JUDGE RALPH LEE

JUDY GONZAGA

MENCHIE BERMIL

QUEZON CITY

REGIONAL TRIAL COURT

REVISED PENAL CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with