150 pamilya nawalan ng tirahan dahil sa sunog sa mandaluyong
MANILA, Philippines – Nilamon ng apoy ang kabahayan ng 150 pamilya sa sunog sa lungsod ng Mandaluyong nitong Martes ng gabi.
Wala naman nasaktan sa sunog na nagsimula bandang 9:10 ng gabi ngunit umaboy sa P300,000 ang halaga ng mga nasirang ari-arian.
Sinabi ng Mandaluyong City fire department na aabot sa 100 bahay sa Creek Side 1, Abelas Compound, Brgy. Mabini-Jose Rizal, Mandaluyong ang tinupok ng apoy.
Base sa inisyal na imbestigasyon ay nagsimula ang sunog sa bahay ng nakilalang si Delia Suan na inuupahan naman ni Corazon Ladrera.
Inabot ng lagpas isang oras ang sunog na naapula ng mga bumbero bandang 10:19 ng gabi.
- Latest
- Trending