^

Balita Ngayon

1 patay, 21 sugatan sa salpukang trak-bus sa Davao

Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines - Utas ang isang lalaki at sugatan ang 21 pa sa salpukan ng trak at pampasaherong bus sa Davao City ngayong Martes ng umaga.
 
Nakilala ng mga pulis ang nasawing si Robert Sumampong na nakaupo sa harap na bahagi ng Davao Metro Shuttle Bus na nagbibiyahe patungong Tagum City galing Davao City.
 
Nasa kritikal na mga kondisyon ang tsuper ng bus na si Rogelio Enclonar at drayber ng trak na si Armand Lopez, habang 19 pa ang sugatan sa aksidente.
 
Ayon sa pulisya, sumalpok ang trak na may plakang LFF 933 sa pampasaherong bus habang nag-o-overtake sa isang Isuzu trailer truck. Naganap ang aksidente malapit sa Gate 3 ng Holcim Cement Corp. sa Km. 16, Barangay Tibungco, sa Bunawan district bandang 6:25 ng umaga.
 
Sinabi ni Senior Police Officer 2 Arnel Masauding ng Bunawan district police station na matindi ang buhos ng ulan nang maganap ang aksidente. Aniya maaaring isa ito sa dahilan ng aksidente.
 
Nangako naman ang pamunuan ng Davao Metro Shuttle bus na sasagutin nito ang mga gastusin sa ospital ng mga nasugatan at sa pagpapalibing kay Sumampong.

ARMAND LOPEZ

ARNEL MASAUDING

BARANGAY TIBUNGCO

BUNAWAN

DAVAO CITY

DAVAO METRO SHUTTLE

DAVAO METRO SHUTTLE BUS

HOLCIM CEMENT CORP

ROBERT SUMAMPONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with