^

Balita Ngayon

Mag-asawang negosyante patay, 2 pa sugatan sa pananambang

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang mag-asawang negosyante at malubhang nasugatan ang dalawa nilang trabahador matapos silang ratratin ng dalawang armadong lalaki nitong Miyerkules ng gabi sa lungsod ng Kidapawan.

Sinabi ni Superintendent Chino Mamburam, pinuno ng Kidapawan City police office, nasawi dahil maraming tama ng bala sa katawan ang mag-asawang sina Gina Bayhin at Kenneth Gelloriza.

Pinaputukan ng mga suspek ang mag-asawa gamit ang M-16 assault rifles at tinamaan din ang mga empleyado nilang sina Faith Peñaflorida at Ivy Peñalosa. Ang mag-asawa ay nagmamay-ari ng isang hardware story sa siyudad.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang mag-asawa.

Ayon kay Mamburam, may posibilidad na negosyo ang dahilan sa pamamamaslang.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

AYON

FAITH PE

GINA BAYHIN

IVY PE

KENNETH GELLORIZA

KIDAPAWAN

KIDAPAWAN CITY

MAMBURAM

SUPERINTENDENT CHINO MAMBURAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with