^

Balita Ngayon

Tensyon sa pagitan ng Taiwan, Pinas bahagyang humupa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinabi ng Malacañang ngayong Miyerkules na bahagya nang humupa ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan dalawang linggo matapos mamatay ang Taiwanese na mangingisda sa karagatan ng Batanes.

“So far, sa ating nakikita medyo bumababa na nang kaunti,” pahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Nakipag-usap si Valte kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Amadeo Perez Jr., na sinabing
ikinatuwa ng mga opisyal ng Taiwan ang pasasalamat ni Pangulong Benigno Aquino III sa kaligtasan ng mga Pilipino roon.

“This was received well by the Taiwanese side and they said that they will ensure that no harm will come to our citizens there,” dagdag ni Valte.

Nitong linggo lamang ay iniulat ni Perez na tatlong Pinoy ang inatake ng mga Taiwanese kasunod ang pagkakabaril ng Philippine Coast Guard sa isang mangingisdang Taiwanese na ikinamatay nito.

Nagkasundo ang Pilipinas at Taiwan na magkaroon ng parallel investigation sa insidente.

Sinabi pa ni Valte na iimbestigahan kung parte nga ba ng Philippine exclusive economic zone (EEZ) o sa katubigan ba ng Taiwan nangyari ang pamamaril.

“The investigation is very exhaustive and they’re looking at all factors that may be contributory that may have any particular impact on the incident itself. So titingnan po nilang lahat ‘yan," sabi ni Valte.

Ayon sa Taiwan maaaring nangyari ang insidente sa pinag-aagawang katubigan dahil 'overlap' ang EEZ ng dalawang bansa.

Sinabi ni Valte na kokontrahin ng mga imbestigador ang inaangkin ng Taiwan at maglalabas ng ulat pagkatapos ng imbestigasyon.

vuukle comment

AMADEO PEREZ JR.

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

MANILA ECONOMIC AND CULTURAL OFFICE

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE COAST GUARD

PILIPINAS

SINABI

VALTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with