^

Balita Ngayon

Reporma sa hudikatura patuloy na isusulong sa Kongreso

The Philippine Star

MANILA, Philippines – Pinatunayan ng resulta ng nakaraang eleksyon na hangarin ng publiko ang pagbabago, ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ngayong Lunes.

Dahil ditto, sinabi ni Belmonte na ipagpapatuloy ng Kongreso ang pagsusulong ng mga panukalang magrereporma sa hudikatura.

“In early April of this year, during the 15th Congress, the President had signed statutes creating numerous new court branches. These were designed to de-clog court dockets all over the country and make justice more accessible to ordinary Filipinos, especially to the poor,” sabi ni Belmonte.

Base sa opisyal na talaan ng Kongreso, mayroong hindi bababa sa 55 bagong sangay ng Regional Trial Courts at 33 bagong Metropolitan Trial Courts ang nabuksan sa buong bansa sa nakalipas na tatlong taon.

Ilan sa Municipal Trial Courts ang dalawa sa  Puerto Princesa, Palawan, at sa Cagayan de Oro at Misamis Oriental.

Sinabi pa ni Belmonte, na kakapanalo lamang nitong eleksyon bilang kinatawan muli ng ikaapat na distrito ng lungsod ng Quezon, na sa nilagdaang Republic Act 104801 ng Pangulo noong Abril 16, 2013 ay magtatayo ng 22 sangay ng Metropolitan Trial Court sa National Capital Region na ilalagay sa lungsod ng Quezon.

“We have to credit the determined efforts of our colleagues in these specific concerned areas, especially the authors, and the support given by each member of the outgoing 15th Congress. I am sure the incoming 16th Congress will continue this thrust towards instituting necessary reforms in our judicial system,” dagdag ng Speaker.

Ilan lamang sa mga inilagay bagong sangay ng Regional Trial Court ay sa General Santos City, South Cotabato; Agusan del Sur; Negros Occidental; Cebu; Aurora Province; Batangas; Romblon; Kalinga; Davao City; Zamboanga City; Compostela Valley Province; Tacloban City; Bislig City; Cavite; Calamba; Navotas; Valenzuela City; at Bogo City.

Ani Belmonte, marami pang panukala na kagaya ng nasabing bill ang nakabinbin sa Kongreso at umaasa ang House Speaker na maipapasa ito pagbukas ng 16th Congress sa Hunyo.

Ang pagtatayo ng iba't ibang sangay ng korte sa bansa ay mula sa magkakaibang inamyendahang probisyon ng Batas Pambansa Blg. 129, o kilala rin sa tawag ba “The Judiciary Reorganization Act of 1980."

Ang batas na nag-uutos sa pagtatayo ng 22 RTC sa lungsod ng Quezon ay alinsunod sa pinagtibay na of Senate Bill 3013 at House Bill 6767 na naipasa noong Oktubre 15, 2012 at Enero 30, 2013.

ANI BELMONTE

AURORA PROVINCE

BATAS PAMBANSA BLG

BELMONTE

BISLIG CITY

BOGO CITY

CITY

COMPOSTELA VALLEY PROVINCE

KONGRESO

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with