Apoy sa Divisoria Mall tataga pa ng 3 araw
MANILA, Philippines - Tatagal pa ng tatlo hanggang apat na araw ang sunog sa loob ng Divisoria Mall, ayon sa Bureau of Fire Protection ngayong Biyernes.
Sinabi ni Senior Superintendent Aderson Comar, assistant regional director for operations ng BFP-National Captial Region, inaantay pa ng mga bumbero na humupa ang apoy sa basement ng mall kung nasaan naroon ang food court bago nila pasukin ang lugar.
"Medyo mainit lang sa loob so hindi natin mapasok so ngayon ang diskarte natin ubusin na lang natin yung laman sa loob. Maubos na yung masunog tapos palamigin natin saka natin papasukin," sabi ni Comar.
Dagdag niya na karamihan sa mga bakal na gate ay nakakandado kaya mahihirapan ang mga bumberong pasukin ang nasusunog na mall.
Aniya mayroong 30 firetruck at 150 bumbero na ang umaapula sa apoy ngayong Biyernes ng hapon.
Sinabi ni Comar na inaasahan niyang papasukin ng mga bumbero ang lugar bukas.
"Subukan natin bukas kung maapula itong portion by portion. Ang pasok natin portion by portion lang kasi malawak ito e. more or less 5,000 square meters ito yung area. So portion by portion na lang natin... kung saan yung medyo kaya ng pasukin ng mga bumbero doon tayo para sa overhauling process," pahayag ni Comar.
Nagsimula masunog ang mall nitong madaling araw ng Huwebes at mahigit 30 oras na itong sumisiklab.
Kumalat pa ang apoy dahil sa pagsabog ng liquified petroleum gas sa isang kainan sa food court.
- Latest
- Trending