Poe, Legarda sigurado nang panalo
MANILA, Philippines – Iniurong ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon ng mga mananalong senador sa Huwebes ng gabi.
Ayon kay Comelec Chairman Sixtro Brillantes Jr., malamang lagpas sa kalahati ng 12 mananalong senador ang maiproklama sa Huwebes at ang matitira ay sa Biyernes na.
Sa naturang pulong-balitaan, kinumpirma naman ni Brillantes na sigurado nang panalo sina Grace Poe at Loren Legarda na kapwa tumatakbo sa ilalim ng tiket ng Team Pnoy coalition.
"We have informed the first and second in the unofficial results that they should not expect any proclamation tonight. Most probably they will be proclaimed tomorrow (Thursday) night together with several others," sabi ni Brillantes.
Mula nang simulang buksan ang transparency server ng Comelec, nanguna na agad si Poe sa bilangan at nitong Miyerkules ay umabot na sa 14,649,660 ang nabibilang niyang boto, base sa partial at unofficial results.
Sinusundan si Poe ni Legarda na mayroon nang nakuhang 13,450,705 na boto.
Nauna nang ipinaliwanag ni Brillantes na mabagal ang pagtanggap nila ng mga certificates of canvass kaya naantala ang proklamasyon sa mga nanalo sa pagkasenador.
Nilinaw naman ni Brillantes na kumpara noong 2010 ay mas mabilis pa rin ang takbo ng eleksyon ngayong taon. Sinabi niya na noong 2010 ay inabot ng limang araw ang bilangan para makapagproklama ng 9 na senador at ang natitirang 3 ay naiproklama pagkatapos ng walong pang araw.
- Latest
- Trending