^

Balita Ngayon

Paumanhin ng Pilipinas hindi tinanggap ng Taiwan

The Philippine Star

MANILA, Philippines – Hindi tinanggap ng Taiwan ang paumanhin ng Pilipinas sa pamamaril sa isang Taiwanese na mangingisda.

Humingi ng tawad ang gobyerno ng Pilipinas nitong Martes sa mga Taiwanese, ngunit hindi nito eksaktong binanggit sa pahayag na humihingi rin ito ng dispensa sa pamahalaan ng Taiwan.

Pinaputukan ng isang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Taiwanese fishing vessel sa isang bahagi ng West Philippine Sea noong Martes kung saan nasawi ang isang 65-taong-gulang na mangingisda.

Inamin ng Pilipinas na taga-PCG nga ang nakabaril sa mangingisda, ngunit iginiit na self-defense ito dahil susubukang banggain ng Taiwanese fishing vessel ang barko ng Pilipinas.

Hindi ikinatuwa ni Premier Jiang Yi-huah ang paghingi ng tawad ng Pilipinas at sinabing nais nilang malaman kung mananagot ba ang mga nasa likod ng insidente.

"The shooting was conducted by one of its civil servants, and its government could not evade the responsibility," sabi ni Jiang.

Tumanggi naman si presidential spokesman Edwin Lacierda na magkomento tungkol sa isyu at sinabing gumugulong na ang deliberasyon.

Wala namang sinabi si Taiwanese President Ma Ying-jeou tungkol sa paghingi ng tawad ng Pilipinas ngunit sinabi ng tagapagsalita nito na "not serious, only trying to placate Taiwan, full of vague language, lacking in sincerity.”

Dahil sa insidenteng naganap, ipinatigil ng Taiwan ang pagtanggap ng mga Pilipinon manggagawa sa kanilang bansa.

Tinatayang mayroong 87,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa Taiwan, karamihan ay sa sektor ng paggawa ng mga produkto.

DAHIL

EDWIN LACIERDA

HUMINGI

INAMIN

JIANG

PHILIPPINE COAST GUARD

PILIPINAS

PREMIER JIANG YI

TAIWANESE PRESIDENT MA YING

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with