Mangudadatu gustong makipag-ayos kay Mastura
MANILA, Philippines – Inihayag ni re-electionist Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu ngayong Miyerkules ang kanyang kagustuhang makipag-ayos sa karibal na si Hadji Tucao Mastura pagkatapos ng bilangan ng mga boto.
“My first official act, if proclaimed, with Allah’s permission, is to reconcile immediately with my rivals and all local communities that supported them,†sabi ni Mangudadatu sa isang text message.
Sinuportahan naman ng mga nakababatang kapatid ni Mangudadatu na sina Khaday at Zajid ang planong pakikipag-ayos.
Sa unofficial na bilangan ng boto sa Maguindanao, umabot na sa 112,532 ang nakuha ni Mangudadatu habang tambak si Mastura na may 39,980.
Sinabi ni Mangudadatu na sa pagtatapos ng eleksyon ay dapat isantabi na ng mga pulitiko ang kanilang personal na interes at isulong na lamang ang kapayapaan.
“We have to immediately embrace each other in peace, allow to be bound tightly by the unifying rope of Islam, and move on. We must rebuild the linkages with one another, as friends, relatives, and most importantly, as children of Allah,†dagdag ni Mangudadatu.
- Latest
- Trending