^

Balita Ngayon

Binay wagi sa Makati

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sigurado na si Jejomar Erwin Binay para sa kanyang ikalawang termino bilang alkalde ng lungsod ng Makati matapos talunin ang katunggali nitong si Renato Bondal.

Tinambakan ni Binay ang lumaban na dating kapitan ng barangay na si Bondal sa mga nakuhang boto na 224,740 kumpara sa 27,505, ayon sa pagkakasunod.

Muli rin naman nakaupo sa puwesto si bise-alkalde Romulo “Kid” Peña na may 129,499 na boto sa dikitan nilang laban ni Marjorie de Veyra na may 122, 956 na boto. Kaalyado ni Binay si De Veyra na tanging kandidato na hindi nanalo mula sa ‘Team Binay.’

Nangako si Binay na tututukan ang social projects para sa lungsod sa pagsisimula ng kanyang ikalawang termino bilang alkalde ng lungsod.

"More infrastructure projects, social projects and quality education. We will continue with what we have started in 2010,” pahayag ni Binay.

Wagi rin sa pagkakongresista si Monique Yasmin Lagdameo para sa unang distrito at sa pangalawang distrito naman si Mar-Len Abigail Binay-Campos.

vuukle comment

BINAY

BONDAL

DE VEYRA

JEJOMAR ERWIN BINAY

KAALYADO

MAKATI

MAR-LEN ABIGAIL BINAY-CAMPOS

MONIQUE YASMIN LAGDAMEO

RENATO BONDAL

TEAM BINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with