Kagawad sa CamSur lusot sa pananambang
MANILA, Philippines – Nakalusot ang isang barangay kagawad matapos siyang tambangan ng limang armadong lalaki sa Camarines Sur sa kasagsagan ng halalan nitong Lunes.
Sinabi ni Anakpawis party-list Vice Chairperson Fernandi Hicap nitong Martes na sakay ng dalawang motorsiklo ang mga nanambang kay Redentor Alog, barangay kagawad at niyembro ng naturang party-list group, sa Sitio Sitio Purikot, Barangay Mambulo Nuevo sa bayan ng Libmanan.
Boboto na sana si Alog nang barilin siya ng isa sa limang armadong lalaki pero nagawa nitong makatakbo.
"He ran for safety and sought refuge somewhere in a forested area near the polling place. We are still checking his whereabouts and we want to make sure he is safe from his assailants," sabi ni Hicap.
Itinuturo ni Hicap ang militar na nasa likod ng pananambang bilang parte ng kanilang anti-insurgency program na Oplan Bayanihan.
"Definitely this is the handiwork of the military and part of the political killing campaign of activists under Oplan Bayanihan counter-insurgency program of the Aquino administration," dagdag ni Hicap.
Dismayado si Hicap sa militar dahil aniya’y ginamit pa nito ang panahon ng eleksyon upang patumbahin ang mga miyembro ng aktibistang grupo.
"Prior to the assassination attempt, intelligence members of the AFP in Bicol had been frequenting Alog's area and were asking residents about the whereabouts of the 41-year-old member of Anakpawis. One of those who were asked about Alog was his young child who failed to inform his father that a group of military looking men were hunting him," pahayag ni Hicap.
Samantala, naunang nakatanggap ang isang miyembro ng Anakpawis ng text message mula sa numerong 02908973218 na nagsasabing: "Wag Iboto ang mga Komunistang Party List gaya ng Bayan Muna, Anakpawis,Gabriela, Kalikasan, Kabataan, ACT Teachers at Akap Bata. Please pass..."
- Latest
- Trending