^

Balita Ngayon

Text message kontra party-list bets ibinintang sa AFP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Sinabi ng isang party-list group ngayong Lunes na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nasa likod ng pagpapakalat ng mga text message na nagsasabing huwag iboto ang mga Anakpawis, Bayan Muna, Gabriela, Kabataan, ACT Teachers Party, Kalikasan at Akap Bata.

Ayon kay Anakpawis partylist vice chairperson Fernando Hicap, nakatanggap ang isa niyang tauhan ng text message mula sa numerong 09208973218 at sinabing: "Wag Iboto ang mga Komunistang Party List gaya ng Bayan Muna, Anakpawis,Gabriela, Kalikasan, Kabataan, ACT Teachers at Akap Bata. Please pass..."

"The dirty tricks department of the AFP with the seal of approval from Malacañang is behind this text brigade. Just read the text and you will see it is authored by the counter-insurgency folks in the Aquino controlled armed forces...Another material proof that the red baiting message really came from the military is the sloppy intelligence work, because Kalikasan is not running in the May 2013 polls," pahayag ni Hicap.

Sinabi ni Hicap na milyun-milyong pera ng publiko ang ginagamit ng AFP upang pondohan ang text blast campaign upang sirain ang kandidatura ng Bayan Muna at ng iba pang kaalyadong grupo.

Aniya nagulat ang miltar nang malaman na lamang sa mga survey ng Social Weather Station ang mga nasabing grupo.

Sa nasabing survey ay nanguna ang Bayan Muna at pasok din naman ang partylist na Gabriela, Anakpawis, Kabataan, ACT Teachers, Akap Bata at Piston.

Nauna nang inireklamo ni Hicap ang mga miyembro ng Philippine Army sa Sorsogon na umano’y nanggulo sa pangangampanya ni senatorial bet Teddy Casiño ng Makabayan coalition at iba pang progresibong party-list.

AKAP BATA

ANAKPAWIS

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BAYAN MUNA

FERNANDO HICAP

GABRIELA

HICAP

KABATAAN

KALIKASAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with