^

Balita Ngayon

Source code nakuha na ng Comelec

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pormal nang natanggap ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Huwebes ang source code na gagamitin sa Mayo 13 automated mid-term elections.

Sa isinagawang turn-over rites sa opisina ng Comelec sa Intramuros sa Maynila, ibinigay ng Smartmatic at Dominion ang isang compact disc na naglalaman ng source code sa independent certifier SLI para sumailalim sa authentication at encryption.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na matapos ang encryption, na gagamitin upang ma-review ng mga may gustong grupo, ilalagay sa isang kahon ang orihinal na kopya ng source code bago dalhin sa Bangko Sentral ng Pilipinas upang maitago.

"[The] source code will be turned over to us from SLI, which was given by Dominion. We'll deposit it in Central Bank," pahayag ni Brillantes sa isinagawang turnover ceremony.

"SLI certifies that the source code is proper, accurate and secure," dagdag ni Brillantes.

Sinabi pa ni Brillantes na naibigay sa kanila ang source code matapos magkaayos ang Smartmatic at Dominion, ngunit hindi na ito nagbigay pa ng detalye tungkol sa dalawang kompanya.

"There's an agreement between Dominion and Smartmatic but we will not divulge," banggit ni Brillantes.

Samantala, sinabi ni Brillantes na maaari na ring inspeksyunin ng mga political party at iba pang interesadong grupo ang source code upang mapawi ang kanilang duda sa automated elections na gaganapin sa darating na Lunes.

BANGKO SENTRAL

BRILLANTES

CENTRAL BANK

CODE

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES JR.

DOMINION AND SMARTMATIC

SINABI

SMARTMATIC

SOURCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with