Jack Enrile suportado ng mga marino
MANILA, Philippines – Inendorso ng grupo ng mga marino si United Nationalist Alliance senatorial candidate Jack Enrile ngayong Martes.
Sinuportahan ng grupong Angkla, organisasyon ng mga marino, mga kamag-anak nila at iba pang stakeholder na nakatutok sa ikatataguyod ng kanilang kapakanan at paglago ng kanilang trabaho, ang kandidatura ng Cagayan representative na si Enrile.
Pinasalamatan naman ni Enrile ang grupo sa pag-endorso sa kanya.
"Part of my campaign platform is anchored on employment generation and also includes the welfare of our kababayans who work abroad," sabi ni Enrile.
"It is difficult to work in a foreign land, away from one’s family. And then there are instances when they are subjected to maltreatment and abuse, or trumped up charges are filed against them," dagdag ng senatorial candidate.
Sa 15th Congress ay naghayin si Enrile ng Bill No. 5453 na naglalayong mapabuti ang tulong legal at pasilidad ng komunikasyon sa lahat ng embahada at konsulado ng Pilipinas.
"This is the least we can do for those we acknowledge as our modern day heroes,†sabi ni Enrile.
Mayroon nang 250,000 Pinoy na marino ang nagtatrabaho sa ibang bansa kaya naman sinasabing ang Pilipinas ang manning capital ng buong mundo.
- Latest
- Trending