^

Balita Ngayon

'Bin Laden' huli sa Basilan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ng mga pulis ang lider ng isang notoryus na grupo ng mga kriminal at 5 pa niyang mga tauhan sa isang operasyon sa isang isla sa Basilan.

Kinilala ni Chief Superintendent Mario Yanga, director ng Regional Special Operation Task Group (RSOTG), ang suspek na si Margani Samla alyas "Bin Laden."

Ayon kay Yanga, si Samla ay isa sa 10 most wanted na kriminal sa buong Zamboanga dahil sangkot ang grupo niya sa drug trafficking at mga gun-for-hire operation.

Naaresto si Samla bandang 10:39 ng umaga noong Sabado sa Little Sangbay Island.

Ayon kay Senior Superintendent Edwin de Ocampo, hepe ng Zamboanga City police, natukoy nila ang pinagtataguan ni Samla matapos siyang makita sa Barangay Recodo na nagbagbagsak ng mga armas at bala.

Aniya, agad siyang nagpatakbo ng mga pulis sa lugar ngunit hindi nila inabutan ang suspek.

Itinawag ng Zamboanga City police sa mga katropa nila sa Basilan na tumakbo patungong Little Sangbay Island si Samla at doon na nakorner ng mga pulis.

vuukle comment

AYON

BARANGAY RECODO

BASILAN

BIN LADEN

CHIEF SUPERINTENDENT MARIO YANGA

LITTLE SANGBAY ISLAND

MARGANI SAMLA

REGIONAL SPECIAL OPERATION TASK GROUP

SAMLA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with