Asawa ni Donna Cruz kinasuhan ng BIR
MANILA, Philippines – Kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ngayong Huwebes ang asawa ng dating artista at singer na si Donna Cruz ng P21.14 milyon na tax evasion case.
Sa inihaying reklamo ng BIR sa DOJ, nakasaad na bigong ideklara ni Potenciano Sto. Domingo Larrazabal III, isang ophthalmologist sa Cebu, ang tamang income tax returns (ITR) mula noong 2009 hanggang 2011.
Idinagdag pa ng BIR na tanging P4.72 milyon lamang ang idineklara ni Larrazabal na ITR sa loob ng tatlong taon kahit nakatanggap siya ng professional fee na umabot sa P29.14 milyon.
Bukod pa sa maling pagdedeklara ng ITR, sinabi pa ng BIR na hindi rin tama ang ibinayad na income tax at value added tax.
- Latest
- Trending