Kandidato sa North Cotabato itinumba
MANILA, Philippines – Patay ang isang kandidato sa pagka-konsehal sa pananambang sa bayan ng Banisilan sa North Cotabato nitong Linggo.
Sinabi ni Senior Superintendent Danny Peralta, direktor ng North Cotabato police provincial office, na pauwi mula sa pangangampanya si Gafur Omar nang lapitan at pagbabarilin siya ng isang hindi kilalang armadong lalaki.
Patay agad si Omar na tumatakbo sa pagka konsehal, dagdag ni Peralta.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa likod ng krimen at kung may kinalaman ito sa pulitika.
Sinabi pa ni Peralta na nagpadagdag siya ng puwersa ng pulisya sa Banisilan upang masiguro ang seguridad at hindi na maulit pa ang insidente.
Noong Pebrero lamang ay dalawang security escorts ng isang re-electionist councilor ang sugatan matapos ang pananambang. Hindi naman nasugatan ang konsehal at kaaagad sinisi ang Moro guerillas na karibal na pamilya nila.
Ang Banisilan ang may pinakamataas na kasoi ng “rido†o clan wards kung saan kabilang ang angkan ng mga Moro sa North Cotabato.
- Latest
- Trending