Misa para kay Jonas Burgos idaraos sa Quiapo
MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang isang misa para sa nawawalang aktibistang si Jonas Burgos bukas sa simbahan ng Quiapo.
Sinabi ng rights group na Karapatan na gaganapin ang misa na tatawaging "Six Years of Search: a mass for truth and justice" simula 10 ng umaga hanggang 11 ng umaga.
Bukod sa Karapatan, dadalo rin sa banal na misa ang iba pang rights advocacy groups tulad ng Free Jonas Burgos Movement, End Impunity Alliance at Promotion for Church People's Response.
Iniutos na ng Korte Suprema sa Armed Forces of the Philippines na hanapin ang mga sundalong nasa likod ng pagdukot kay Burgos anim na taon na ang nakakaraan kasunod ng bagong ebidensyang nadiskubre ng pamilyang Burgos.
Naglabas din ng temporary protection order ang mataas na hukuman upang bigyan ng National Bureau of Investigation ng seguridad ang pamilyang Burgos.
- Latest
- Trending