^

Balita Ngayon

USS Guardian grounding probe matatapos na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Malapit nang matapos ang imbestigasyong isinasagawa ng Philippine Maritime Casualty Investigation Team (MCIT) para sa grounding ng US minesweeper na USS Guardian sa Tubbataha Reef noong Enero 17.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nakatanggap na ng karagdagang dokumento ang anim na miyembro ng MCIT mula sa mga imbestigador ng US Navy sa pagbisitang ginawa ng grupo sa US Naval Base sa Yokusuka, Japan.

Nagsagawa ng sariling imbestigasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagsadsad ng USS Guardian at ang mga nakuha nilang dokumento mula US Navy ay makakatulong upang mas mapabilis at mapadali ito.

Layuning malaman ng safety inquiry ang dahilan ng pagsadsad ng USS Guardian sa Tubbataha Reef noong Enero 17, 2013. Nais rin ng grupo na malaman ang mga paraan upang maiwasan na maulit ito.

Samantala, ipinaalam naman ng mga opisyal ng US Navy sa MCIT na sa lalong madaling panahon ay mailalabas na nila resulta ng kanilang sariling imbestigasyon.

Sa pagtataya ng mga eksperto, umabot sa 2,345.67 metro kwadrado ang nasira sa pagsadsad ng USS Guardian. Base sa Republic Act 10067 o ang Tubbataha Reefs Natural Park Act, may halagang $600 o P24,000 kada metro kwadrado ang nasirang bahura.

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ENERO

LAYUNING

NAVAL BASE

PHILIPPINE COAST GUARD

PHILIPPINE MARITIME CASUALTY INVESTIGATION TEAM

REPUBLIC ACT

TUBBATAHA REEF

TUBBATAHA REEFS NATURAL PARK ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with