^

Balita Ngayon

Seguridad sa Basilan pinaigting kasunod ng pambobomba

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iniutos ng regional police office sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ngayong Biyernes na paigtingin ang seguridad sa Basilan kasunod ang dalawang pagsabog sa harap ng bahay ng bise-alkalde at sa isang kapilya.

Sinabihan ni Chief Supt. Noel delos Santos, ARMM police regional director, ang provincial police director ng Basilan na si Senior Supt. Alex Lineses na maglagay ng checkpoints sa mga pangunahing kalsada upang mapigilan ang posibleng pag-atake pa ng mga responsable sa magkasunod na pambobomba.

Bandang 9 ng gabi naganap ang unang pagsabog sa harapan ng bahay ni Lamitan City Vice Mayor Arleigh Eisma na tumatakbo sa pagka-alkalde.

Nangyari ang ikalawang pagsabog sa kapilya sa Barangay Colonia ilang minuto lamang ang nakakalipas mula nang pasabugan ang harap ng bahay ni Eisma na tinamaan ang pick-up truck nito.

Nanawagan si Lineses sa publiko na tulungan silang mapigilan ang pambobomba sa pag-uulat sa kanila ng mga kahina-hinalang tao, bagahe sa lungsod.

Base sa inisyal na imbestigasyon, improvised explosive device ang ginamit sa lungsod ng Lamitan.

Nilagyan ito ng mga bala ng 60mm mortar at ginamitan ng cellphone upang sumabog.

vuukle comment

ALEX LINESES

AUTONOMOUS REGION

BANDANG

BARANGAY COLONIA

BASILAN

BIYERNES

CHIEF SUPT

LAMITAN CITY VICE MAYOR ARLEIGH EISMA

MUSLIM MINDANAO

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with