'Solar power sagot sa energy crisis'
MANILA, Philippines – Nais ng mga mambabatas na mamuhunan ang gobyerno sa solar power upang hindi na umasa ang bansa sa oil-dependent energy sources at para matugunan ang krisis sa kuryente.
Sinabi ni Bayan Muna Party-list Rep. Teddy Casiño na ang House Bill 5405 o ang panukalang One Million Solar Roofs Act of 2011 ay makakatulong upang labanan ang global warming at polusyon.
Aniya sa paggamit ng solar power ay uusbong ang ekonomiya at magreresulta ito sa mas maraming trabaho sa bansa at mababang bayad sa kuryente.
“In an era of increasingly high prices and foreseeable decline of the global oil supply, government should at the soonest develop fuel alternatives and accelerate the exploration and utilization of renewable sources of energy,†pahayag ni Casiño.
Dagdag ng mambabatas na isinabatas ng Kongreso ang Republic Act 9513 o ang Renewable Energy Act in 2008 upang hikayatin ang mga mamumuhunan na pasukin ang industriya ng renewable energy.
“To complement this measure, it is also necessary to encourage demand and provide incentives especially to purchasers of small renewable energy systems,†sabi ni Casiño.
Para naman kay Gabriela Party-list Rep. Luzviminda Ilagan, isa sa mga may-akda ng panukala, makikinabang ang bansa sa paggamit ng "renewable sources of energy" dahil sa malinis nitong paraan na hindi makakaapekto sa kalikasan.
Dagdag ni Ilagan na napakaganda nitong paraan upang maresolba ang krisis sa kuryente lalo na’t maganda ang tama ng sinag ng araw sa Pilipinas.
“Besides the country being the second in Southeast Asia in terms of irradiation and insolation, we already have the foundation to become a renewable energy leader in the region owing to the strong semi-conductor industry and the manpower base serving in the manufacturing and service sectors, especially the installers’ sub-sector,†pahayag ni Ilagan said.
Sinabi naman ni Kabataan Part-list Rep. Raymond Palatino na layon ng panukala na magbigay ng insentibo at pondo upang mahikayat ang mga tao na gumamit ng solar energy.
“It is hoped that through this, the demand for clean solar energy, as well as the opportunities for local manufacturing and related solar energy products and services will increase,†ani Palatino.
Sa ilalim ng panukala, dapat hikayatin ng gobyerno sa pamamagitan ng Department of Energy (DOE), National Renewable Energy Board (NREB) at ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) ang paggamit ng solar energy sa mga bahay at business establishments sa buong bansa.
- Latest
- Trending