Babaeng tulak tiklo sa PDEA
MANILA, Philippines - Tiklo ang isang hinihinalang miyembro ng sindikato ng droga sa isinagawang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lungsod ng Roxas kamakailan.
Pinangalanan ni Arturo Cacdac, hepe ng PDEA, ang suspek na si Sorabelle Aporta, 36, ng Sitio Railway, Barangay. Punta Tabuc, Roxas City, Capiz.
Sinabi ni Cacdac na kilalang miyembro ng Arandez drug group si Aporta na nagtutulak sa iba't ibang bahagi ng Capiz, partikular sa Roxas City.
Nasabat mula sa suspek ang siyam na pakete ng shabu na may timbang na tatlong gramo at iba't ibang drug paraphernalia nang makorner sa buy-bust operation noong Abril 12 sa Sitio Railway, Barangay Punta Tabuc.
Pansamantalang nakakulong si Aporta sa Roxas City police station at nahaharap sa kasong pagtutulak ng ilegal na droga.
- Latest
- Trending