^

Balita Ngayon

1 patay, 15 sugatan sa aksidente sa NCotabato

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa ang patay, habang 15 ang sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa North Cotabato nitong Linggo.

Dead on the spot si Greg Batrina matapos sumalpok ang kanyang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na pampasaherong van sa Barangay Kiya-ab, Antipas, North Cotabato.

Kaagad namang sumuko sa pulisya ang drayber ng van na si Ramil Fajardo at ibinigay ang kanyang lisensya at rehistro ng sasakyang may plakang MVZ 241.

Samantala, nahulog sa 40-talampakan na bangin ang isang mini-school bus sa Barangay Katipunan sa Arakan, North Cotabato kung saan 15 ang sugatan.

Mula sa Bukidnon ang mga biktima at patungo sana sa isang beach resort sa lungsod ng Davao nang mawalan ng kontrol ang tsuper na si Jessie Gabriel.

Kaagad namang naisugod sa ospital ng mga rumespondeng pulis at sundalo ang mga biktima sa magkakaibang ospital.

Ayon sa kapitan ng Barangay Katipunan na si Maximo Brgat, pawang mga guro mula sa lungsod ng Valencia sa Bukidnon ang mga biktima.

vuukle comment

ANTIPAS

BARANGAY KATIPUNAN

BARANGAY KIYA

BUKIDNON

GREG BATRINA

JESSIE GABRIEL

KAAGAD

MAXIMO BRGAT

NORTH COTABATO

RAMIL FAJARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with