Baldoz: Kalmado pa rin sa South Korea
MANILA, Philippines – Tiniyak ni Labor Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz ngayogn Martes na nananatiling kalmado ang sitwasyon sa South Korea sa kabila ng pagdedeklara ng North Korea ng state of war.
Sinabi ni Baldoz na patuloy na nagmamanman ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Seoul at sinabing normal pa naman ang sitwasyon sa South Korea.
“The Philippine Overseas Labor Office (POLO) in Seoul, which is constantly monitoring the conditions in the region, reports a calm and normal situation in South Korea," pahayag ni Baldoz.
Aniya, hindi kailangang mangamba ng mga Pilipino dahil patuloy ang koordinasyon ng POLO sa Filipino community sa South Korea.
"There is no reason to panic since the POLO is closely coordinating with the Filipino community in the region and is prepared for any possible events," dagdag ni Baldoz.
Sinabi ni Baldoz na ayon sa ulat ng Labor Attaché to Korea Felicitas Bay, mula pa noong Marso 7 ay naglabas na ang embahada ng Pilipas ng adivory at inabisuhan ang Filipino community na maging handa at maalam sa sitwasyon sa South Korea.
Dagdag pa ni Bay na patuloy ang pag-aabiso ng embahada sa Filipino community tungkol sa sitwasyon ng South Korea sa pamamagitan ng kanilang website at pagpapadala ng e-mail . Nagsasagawa rin ang embahada ng pagtitipon sa pamamagitan ng Filcom Leaders' Forum.
Ayon kay Baldoz, laging pinapaalalahan ng POLO ang overseas Filipino workers (OFW) sa South Korea na laging magdala ng emergency kit at pera para sa kung anuman ang mangyari.
“Amidst the reports of a normal situation in South Korea, our POLO in the region works closely with the Embassy under one-country-team approach and would never let its guards down. It will continuously and constantly monitor the developments in the region and will always be prepared to ensure that our OFWs will stay safe and away from danger,†sabi ni Baldoz.
Nitong Lunes naglabas ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng Alert Level 1 sa South Korea dahil sa tumataas na tensyon sa pagitan nila ng North Korea.
Sinigurado rin ng DFA ang kanilang contingency plan para sa 42,507 Pilipinong nasa Korea sa oras na sumiklab ang kaguluhan.
- Latest
- Trending