^

Balita Ngayon

Education vouchers pinamigay sa HS graduates sa Taguig

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Namigay ng college education vouchers ang lokal na gobyerno ng Taguig sa mahigit 7,000 na nagsipagtapos na mga mag-aaral mula sa mga pampublikong high school sa siyudad.

Magagamit ng mga nagsipagtapos na mag-aaral ang mga education voucher na pambayad sa kanilang matrikula at iba pang gastusin sa mga papasukan nilang unibersidad at kolehiyo.

“I believe that education is a right, not a privilege. No student in Taguig should ever be prevented from studying in college by their mere station in life,” pahayag ni Taguig Mayor Lani Cayetano.

Maaaring ipapalit ang voucher na may halagang P5,000 ng 7,242 na nagtapos sa 12 pampublikong high school sa lungsod ng Taguig kapag nagtuloy sila sa kolehiyo.

“It is my firm belief that if we help our youth pursue their dreams, not only will they help their families live better lives but it will help our city as well,” ani ng alkalde.

Ayon kay Cayetano, maaaring gamitin ang voucher sa pag-eenrol sa anumang kolehiyo o unibersidad kahit pa nasa labas ng lungsod ng Taguig o sa mga technical at vocational courses.

Samantala, inaprubahan na ng lungsod ang pagtaas ng pondo ng Lifeline Assistance for Neighbors In-Need (LANI) Scholarship Program na P300 milyon mula sa P200 milyon para sa higit 24,000 na mga iskolar.

Mayroong pitong kategorya ang voucher ng LANI Scholarship Program at ito ang:  basic scholarship o tulong pinansyal; full scholarships; state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs) scholarships; premier/specialized schools scholarships; leaders and educators advancement and development (LEAD); review assistance program para sa mga bar and board reviewees; at priority courses at skills training.

AYON

CAYETANO

LIFELINE ASSISTANCE

MAAARING

MAGAGAMIT

NEIGHBORS IN-NEED

SCHOLARSHIP PROGRAM

TAGUIG

TAGUIG MAYOR LANI CAYETANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with