Investment grade walang halaga sa mahihirap - Bayan
MANILA, Philippines - Walang halaga sa mga mahihirap ang nakuhang ratings upgrade ng Pilipinas sa international debt watcher Fitch Ratings, ayon sa militanteng grupong Bayan.
Sinabi ng Bayan na hindi naman ito magreresulta sa pagkakaroon ng karagdagang trabaho sa bansa.
"The ratings upgrade seems meaningless to the poor. The type of investments it may attract may not necessarily create jobs, especially if these are portfolio investments," pahayag ni Bayan Secretary General Renato Reyes, Jr.
Mula sa rating na BB+ ginawang BBB- ng Fitch Ratings ang credit rating ng bansa.
Sinabi pa ni Reyes na dapat ay pagtuunan ng pansin ni Pangulong Aquino ang reporma sa lupa at 'genuine constitutional industrialization' na magbubuo ng mas matatag na ekonomiya.
Aniya, maganda lamang sa pandinig ang nakuhang upgrade sa credit ratings pero gagamitin lamang ito ng administrasyon sa kanilang pangangampanya para sa kanilang senatorial bets.
Sinabi ni Reyes na kailangan ay magkaroon ng maraming trabaho upang maramdaman talaga ng mamamayan ang nakuhang credit rating.
"Economic growth premised on external factors like foreign investments is an illusion...But without new jobs, the ratings upgrade will remain a hollow indicator not felt by the majority."
- Latest
- Trending