^

Balita Ngayon

Pabahay para sa mga sundalo, pulis inilunsad sa Maguindanao

Pilipino Star Ngayon

Maaari nang magkaroon ng sariling tirahan ang mga pulis at sundalo na nakatalaga sa hilagang bahagi ng Maguindanao dahil sa proyektong pabahay ng isang pribadong kompanya.

Itatayo ang mga bahay ng Bumbaran Development Corp. (BDC), na nag-invest ng P365 milyon, sa Barangay Sarmiento sa bayan ng Parang, Maguindanao.

Inilunsad ang proyekto nitong Miyerkules ng mga kinatawan mula sa BDC at mga opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa pangunguna ni Governor Mujiv Hataman at ARMM police director Chief Supt. Noel Delos Reyes.

Plano ng BDC na magtayo ng 1,500 abot-kayang mga bahay para sa mga sundalo at pulis sa Barangay Sarmiento.

Dahil sa malaking investment, bibigyan ng gobyerno ng ARMM ang BDC ng “tax holidays”at iba pang teknikal na tulong na padadaanin sa Regional Board of Investments.

“If there are 1,500 families of soldiers and policemen who will reside in the housing project, vendors in our market, suppliers of rice and other food provisions, will earn more and more earnings by the business sector mean more tax collections by our local government unit,” sabi ng alkalde ng Parang na si Ibrahim Ibay.

vuukle comment

AUTONOMOUS REGION

BARANGAY SARMIENTO

BUMBARAN DEVELOPMENT CORP

CHIEF SUPT

DAHIL

GOVERNOR MUJIV HATAMAN

IBRAHIM IBAY

MAGUINDANAO

MUSLIM MINDANAO

NOEL DELOS REYES

REGIONAL BOARD OF INVESTMENTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with