Kasong abduction isinampa laban sa Maguindanao guv bet
MANILA, Philippines - Nahaharap sa kasong pagdukot si Sultan Kudarat Mayor Datu Tucao Mastura matapos ireklamo ng asawa ng isang independent mayoral candidate sa Maguindanao.
Sa limang-pahinang reklamo ni Asia Camsak sa Department of Justice sinabi nito na sinaktan siya ni Matsura at asawa nito noong Marso 9, 2007.
Tumatakbo sa pagka-gobernador si Matsura sa Maguindanao sa darating na halalan sa Mayo.
Dagdag pa ni Asia na binataan ng mag-asawa ang kanyang buhay kung hindi ibibigay ng kanyang asawa na si Cayton Camsak ang pera at titulo ng kanilang lupa.
Kandidato sa pagka-alkalde si Cayton sa Rajah Buayan, Maguindanao.
Sinabi ni Asia na nakatakas lamang siya mula sa safehouse sa Merriamville matapos ang isang buwang pagkakadukot.
- Latest
- Trending