MANILA, Philippines – Binatikos ng rights group na Karapatan ngayong Lunes ang pag-aresto ng awtoridad sa pinuno ng indigenous at partylist group sa Caraga region na sinasabi nilang political harassment.
"Jalandoni Campos’s arrest is blatant political harassment against progressive people’s organizations and partylists," pahayag ni Karapatan-Caraga Secretary General Naty Castro.
Sinabi ni Castro na pinuno ng Manobo intermunicipal organization sa Lianga, San Agustin, at Marihatag, Surigao del Sur, si Campos na miyembro din ng konseho sa Mindanao Lumad alliance, Kalumaran .
Inaresto ng mga awtoridad si Campos bandang alas-8 ng gabi noong Marso 23 pagkalabas niya ng SURE FM radio station sa lungsod ng Tandag, Surigao del Sur.
Nakakulong si Campos sa Tandag City police matapos arestuhin ng mga awtoridad sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Alfredo Jalad ng Regional Trial Court Branch 28.
Bukod kay Campos, 36 sibilyan na pawang mga miyembro ng MAPASU ang kabilang sa warrant of arrest.
"Campos and the other MAPASU members were not informed of the complaint filed against them, despite the fact that Campos is well-known in Lianga as the leader of one of the biggest people’s organizations there," sabi ni Castro.
"The warrant of arrest was issued without allowing those accused to respond to the charges against them. Clearly there was no reasonable investigation to determine probable cause," dagdag ni Castro.
Aniya, aktibo sina Campos at mga pinuno ng MAPASU sa kampanya kontra sa large-scale mining sa Andap Valley complex sa Surigao del Sur kung saan napigilan din nila ang operasyon ng combat at civil-military sa 22 komunidad ng MAPASU.
Sinabi pa ni Castro na ang kaso kontra kina Campos at sa MAPASU ay isa sa 12 kaso na isinampa laban sa 80 pinuno at miyembro ng mga progressive organizations sa Caraga region.
“We have engaged the local prosecutors’ office and the Department of Justice to address these cases since 2012 but the cases have persisted despite their reassurances to reinvestigate," ani Castro.