^

Balita Ngayon

Labor subjects nais isama sa pag-aaral

The Philippine Star

MANILA, Philippines – Isinusulong ng ilang mambabatas ang pagsasama ng labor subjects sa kurikulum ng social science sa mga paaralan sa bansa.

Ayon kay TUCP Party-list Representative Raymond Democrito Mendoza, dapat ay may kaalamanan ang mga estudyante tungkol sa karapatan ng mga manggagawa at mga benepisyo nito.

“College students should equip themselves with knowledge about labor rights, works welfare and benefits, core labor standards, labor laws and regulations,” pahayag ni Mendoza.

Aniya, sa pagtatapos ng mga estudyante ay magkakaroon sila ng trabaho at mabuti lamang na alam ng mga estudyante ang ito.

“These students will eventually be a part of the labor force and therefore should be coached the most important principles pertaining to the role of labor in the self-realization of a human being,” dagdag ng ni Mendoza.

Sa ilalim ng House Bill 3205 na ginawa ni Mendoza, vice chairman ng House Committee on Labor and Employment, kailangang isama ng Commission on Higher Education (CHED) sa mga kurikulum ng social science ang mga labor subjects.

Sinabi pa ng kongresista, na pinuno rin ng Committee on Poverty Alleviation, mayroong 2.6 estudyanteng nasa kolehiyo sa bansa, lagpas kalahati nito ay nasa pribadong paaralan, habang higit sa 820,000 ang nasa state universities at colleges.

Para naman kay Aurora province representative Juan Edgardo Angara, ang pagsasama ng labor subjects sa pag-aaral ay upang malaman ng mga estudyante ang kalagayan ng mga mangagawa at trabaho sa bansa.

“The labor education should also include topics on national and global labor situation, labor market concerns, labor issues, overseas work and related problems,” sabi ni Angara na chairman ng House Committee on Higher Education.

HIGHER EDUCATION

HOUSE BILL

HOUSE COMMITTEE

JUAN EDGARDO ANGARA

LABOR

LABOR AND EMPLOYMENT

MENDOZA

POVERTY ALLEVIATION

REPRESENTATIVE RAYMOND DEMOCRITO MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with