MANILA, Philippines – Aabot sa 127 pamilya ang naapektuhan ng pagbaha sa lungsod ng Quezon matapos bumuhos ang matinding ulan nitong Linggo ng gabi.
Ayon sa ulat, 20 pamilya mula sa Purok Uno, Upper Nawasa, Baranggay Commonwealth, Quezon City ang lumikas sa lugar bandang 8 ng gabi kasunod ang matinding pag-ulan.
Nakisilong muna sa mga kapitbahay, na nasa mataas na lugar, ang mga lumikas na pamilya dahil sarado pa ang mga evacuation center noong gabi, dagdag ng ulat.
Hanggang sa mga oras na ito ay nasa dalawang talampakan pa ang lalim ng baha.
Ayon sa mga residente, madaling bumaha sa kanilang lugar dahil sa baradong mga kanal.