^

Balita Ngayon

Noy pinagpapaliwanag sa Tubbataha incident

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Humihingi ang isang miyembro ng fact-finding mission ng paliwanag kay Pangulong Benigno Aquino III ngayong Biyernes kung bakit ang gobyerno ng US ang nangunguna sa imbestigasyon ng pagsadsad ng USS Guardian sa Tubbataha Reef.

Sinabi ni Fernando Hicap ng Anakpawis partylist, ang gobyerno ng US ang iniimbestigahan at kailangang kasuhan ng Pilipinas kabilang ang mga opisyal at tripulante ng minesweeper.

"The US government should be the subject of investigation and the political object of criminal cases which the Philippine state should file against officials, crew members of the American minesweeper and the US government," pahayag ni Hicap na isa sa mga pangunahing organizer ng fact-finding mission sa Palawan.

Nitong Huwebes ay inanunsyo ng gobyerno ng US na iimbitahan nila ang mga opisyal ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard upang lumahok sa imbestigasyong pinangungunahan ng US sa pagsadsad ng USS Guardian sa mga bahura.

Sinabi ni Lt. Col. Jason Chamness, deputy chief ng Joint US Military Assistance Group (JUSMAG) na iimbitahan nilang pumunta ng JUSMAG headquarters sa Japan ang mga opisyal ng Pilipinas upang i-update sa lagay ng imbestigasyon.

Para kay Pamalakaya vice chairperson Salvador France kailangang bumuo ng hiwalay na imbestigasyon ang Pilipinas dahil walang karapatan ang US na magsagawa ng pagsisiyasat sa insidente sa mga bahura noong Ener 17.

"We will not subscribe to any Washington fabricated report on Tubbataha that would eventually exonerate imperial America from its crimes against the people and the environment," sabi ni France.

Una nang inirekomenda ng fact-finding mission noong Marso 11 hanggang 14 ang pagsasampa ng kaso sa 79 tripulante ng USS Guardian at mga opisyal ng administrasyong Aquino dahil sa kapabayaan sa Tubbataha.

FERNANDO HICAP

JASON CHAMNESS

MILITARY ASSISTANCE GROUP

NITONG HUWEBES

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE COAST GUARD

PHILIPPINE NAVY

PILIPINAS

SALVADOR FRANCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with