Pope Francis maaaring bumisita sa Pilipinas
MANILA, Philippines – Naniniwala ang retiradong Arsobispo ng Maynila na si Gaudencio Cardinal Rosales na bibisitahin ng bagong talagang santo papa ang Pilipinas sa 2016.
Sinabi ni Rosales ngayong Huwebes na nakausap niya si Pope Francis at inimbitahan niya itong dumalo sa 51st International Eucharistic Congress sa lungsod ng Cebu sa 2016.
Isa si Rosales sa tatlong Pilipinong cardinal na lumipad patungong Vatican para sa papal conclave kasunod ang pagbibitiw sa puwesto ni Pope Benedict XVI, ang unang santo papa na umalis sa puwesto sa loob ng 600 taon, nitong Pebrero.
Naiulat din na inimbitahan ni Vice President Jejomar Binay, na naging kinatawan ni Pangulong Benigno Aquino III sa inaugural mass ni Pope Francis, ang santo papa na bisitahin ang Pilipinas para sa Eucharistic congress.
Matatandaang dalawang beses binisita ng yumaong santo papa na si Pope John Paul II ang Pilipinas. Una siyang nakarating sa bansa noong 1981 para sa beatification ng ngayo’y santo Lorenzo Ruiz, kung saan naging rason din ang kanyang pagbisiti upang tanggalin na ni Pangulong Marcos ang martial law.
Bumalik si Pope John Paul II noong 1995 para sa World Youth Day Catholic festival at nagdaos ng misa sa Rizal Park na dinaluhan ng tinatayang lima hanggang pitong milyong katao, na sinasabing pinakamalaking bilang ng pagsasama-sama ng mga katoliko sa isang pagtitipon.
Nitong Miyerkules ay nangako si Pope Francis na ipagpapatuloy ang “fraternal†dialogue o pakikipag-usap ng simbahang katoliko sa Hudyo at mga Muslim para sa ikabubuti ng lahat.
- Latest
- Trending