^

Balita Ngayon

Gabriela: Pagkaltas sa pondo ng SUC, sanhi ng pagpapakamatay ni Tejada

The Philippine Star

MANILA, Philippines – Itinuturo ng mga mambabatas ang pagkaltas ng gobyerno sa pondo ng State Colleges and Universities (SUCs) bilang puno’t dulo ng pagpapakamatay ng University of the Philippines Manila freshman na si Kristel Tejada.

Ayon kay Gabriela Party-list Rep. Luzviminda Ilagan, ang Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) ng UP ay paraan ng paaralan upang matugunan ang pagbabawas sa kanilang budget.

“Education as a right demands that schools exercise flexibility and maximum consideration. I blame the government’s lopsided priorities and the school’s mechanical and insensitive implementation of a policy,” pahayag ni Ilagan.

Nagpakamatay si Tejada nitong Marso 15 sa kanilang bahay sa Maynila matapos maghain ng leave of absence sa kalagitnaan ng ikalawang semestre dahil sa hindi mabayarang matrikula na hindi lalampas ng P10,000.

Sinabi naman ni Marikina City 1st district Rep. Marcelino Teodoro na hindi maaaring ibuhos sa STFAP ang kasalanan sa pagpapakamatay ni Tejada.

“The way she died was a choice she made and we can never fully understand what went on in her mind for doing so.  Nevertheless, the UP’s scholarship policy is what one might say, ancient, that must be reviewed and revised immediately,” ani Teodoro.

Sinabi pa ni Teodoro na hindi kailanman dapat ipagkait ng  government-owned university na UP ang edukasyon sa mahihirap na Pilipino lalo na’t kung dahil sa pinansyal na mga rason.

“They must stay true to their mandate so that no other student suffers the consequences of a faulty scholarship policy,” giit ni Teodoro.

Para naman kay Quezon City 2nd District Rep. Winston Castelo kailangang patuloy na makatanggap ng pondo ang SUC upang matugunan ang pangangailangan ng mga paaralan.

Sinabi pa ni Castelo na ang “biggest culprit” ay ang P1 bilyong pagbawas sa pondo ng SUC.

 â€œI have openly advocated for free college education for our people.  In this globalized and complex world, a college education is a matter of ultimate necessity, but free college education is a function of collected revenues,” pahayag ni Castelo.

CASTELO

DISTRICT REP

GABRIELA PARTY

KRISTEL TEJADA

LUZVIMINDA ILAGAN

MARCELINO TEODORO

MARIKINA CITY

SINABI

TEODORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with