Most wanted sa Quezon, tiklo

MANILA, Philippines – Nasakote ang dalawang pinaghahahanap na tao sa Quezon sa ginawang manhunt operation sa probinsya, ayon sa pulisya.

Ayon kay Senior Superintendent Diornado Carlos, Laguna provincial police director, na-korner ang mga suspek na sina Santiago Medenilla, 53, at Anisa Medenilla, 26, na kapwa residente ng Barangay Punta San Narciso, Quezon, bandang 10:30 a.m. sa Barangay White Cliff, San Francisco, Quezon.

Dinakip ang mga most wanted sa probinsya na sina Medenilla sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder at frustrated murder na inilabas ni Judge Ma. Chona E. Pulgar-Navarr ng Gumaca Regional Trial Court branch 61.

Inirekomenda ng korte ang P200,000 na piyansa para sa frustrated murder, habang wala naman sa kasong murder.

PInaghahahanap ang dalawa dahil sa umano’y pagpatay kay Jose Menchero noong Agosto 14, 2010 sa Barangay Punta San Narciso, Quezon.

Show comments